ANG PANITIKAN NG REHIYON II
Ni ALENE V. ATOLE BSED 2B
PARTIDO STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GOA, CAMARINES SUR
"Ang panitikan ay nagsisilbing tulay para makita at mabatid natin ang kaugnayan ng ka- salukuyan sa nakaraan upang sa ganoon maharap natin ang darating na may lakas at talino. "
-Estelita C. Apuntan
-Estelita C. Apuntan
Ang
rehiyon II ay matatagpuan sa isang malaking lambak sa hilagang-silangang Luzon,
sa pagitan ng kabundukang Cordilleras at ng Sierra Madre. Binabagtas ng Ilog
Cagayan, ang pinakamahabang ilog sa bansa, ang gitna ng rehiyon at dumadaloy
patungong Kipot ng Luzon sa hilaga.
Ang Lambak ng Cagayan – ay matatagpuan
sa pagitan ng bulubundukin ng Sierra Madre at Cordillera Sentral sa Hilagang-Silangang Luzon.
Mga Lalawigan at
Kabisera:
·
Batanes
– Basco
·
Cagayan
– Tuguegarao
·
Isabela
– Ilagan
·
Nueva
Vizcaya – bayombong
·
Quirino
– Cabarroguis
Mga halimbawa ng
ilog na matatagpuan sa rehiyon:
- Cagayan River – Pinagkukunang tubig para sa irigasyon. Pinakamahabang ilog sa Pilipinas
- Chico River
- Magat River
- Pinacanauan River
Halos
lahat ng mga lugar sa Cagayan Valley ay napalilibutan ng bulubundukin na
katatagpuan ng mga kagubatan.
Mga Katutubo sa
Rehiyon II:
- Ivatan sa Batanes
- Gaddang at Ibanag sa Cagayan, Isabela, at Nueva Vizcaya
- Dumagat
- Isneg
- Ita
- Igorot
Mga punung-kahoy na
matatagpuan sa bulubundukin ng rehiyon
- Benguet Tree
- Narra Tree
- Ipil-ipil
- Teak
- Mahogany
Ang Cagayan Valley –ay biniyayayaan ng lupang alluvial o lupaing
nadeposituhan ng putik at buhangin dulot ng umaagos na ilog, sapa at iba pa. Maganda pagtaniman ng tabako, palay,
mais, gulay at prutas, kape, cacao, sibuyas, halamang-ugat, tabla, rattan, at
kawayan.
Likas na Yaman
Mineral ng Rehiyon
- Bakal
- Pilak
- Ginto
- Limestone
- manganese
- Graba
- bato
Pagsasaka pa rin ang karaniwang
hanapbuhay sa Region II. Pangunahing
produkto rito ang palay, mais, at tabako.
Masiglang industriya rin rito ang pagtrotroso, paglililok ng kahoy, at
paggawa ng mga produktong yari sa yantok, paghahabi, paggawa ng asin, alak at
suka.
Mga Produkto ng
Rehiyon
- tabako
- palay
- mais
- gulay at prutas
- kape
- cacao
- sibuyas
- halamang-ugat
- table
- rattan
- kawayan
Mga Anyo ng
Literatura sa Rehiyon II
- Epiko
- Salomon
- Pasion
- Verzo
- Awit
- Bugtong
EPIKO
Ang literatura ng Ibanag, tulad ng
iba pang literatura sa ibang rehiyon ay nagpapakita ng mga nararamdaman ng mga
Cagayanos. Marahil ito ay tuwa, kalungkutan, pag-asa, takot, pagmamahal o di
kaya'y hinanakit, ito ay napagpasapasahan na nang isang henerasyon tungo sa
isa. Ang isa sa pinaka tanyag na epiko sa Cagayan ay ang kuwento ni Biuag at
Malana o "Biuag anni Malana" sa lokal na dayalekto. Ang epiko ay
sinimulang isulat sa mga 'bark' ng mga puno at mga bamboo at kinakanta sa mga
importanteng okasyon tulad ng kasalan, selebrasyon pagkatapos ng mga mahahabang
giyera at iba pa at dahil dito ay napagpasa pasahan na ito, henerasyon sa
henerasyon.
SALOMON
Ito ay isang epikong inaawit kasabay ng
“cinco-cinco” o instrumentong may limang
kuwerdas tuwing Pasko sa harap ng altar. Ito ay kasama sa salu-salo kung saan
may alak, kape, tsokolate, at iba pa. Ang nilalaman nito ay tungkol sa pagkakabuo,
pagkapanganak, at buhay ni Jesu Kristo. Sa isang bahagi nang epikong kanta ay
makikita ang mga linyang ito:
Anni i ibini wagi?
(What are you sowing,
brother?)
Said the farmer: Batu
i paddag gunak ku ibini.
(I am sowing pebbles.)
Said Mary: Batu nga
imulam, batu nga emmu gataban.
(Pebbles that you sow,
pebbles that you reap.)
VERZO
Ang
verzo ay katumbas ng coplas ng mga Espanyol. Ito ay isang awit na may apat na
linya at tugma. Karaniwang ginagawa o nililikha ng versista ang verso sa
mismong okasyon tulad ng kasal at binyag. Ang verso ay karaniwan ding nagtuturo
ng moralidad. Ilang mga halimbawa nito ay ang “ ossse-osse” at “kilingkingan.”
Mga Halimbawa:
Arri ka mavurung ta
Kabaddi ku lalung, kuak
Ku mamayappak, kannak
Ku utun, gukak.
(Worry not my being a
small cock,
For when i fly to
attack)
.
AWIT
Ang mga awit ay mga kantang para sa
pag-ibig at madalas ang mensaheng dinadala nito ay pangako, pagtatapat,
paninigurado, mga pagtuturo at pag-alalay na maibibigay.
Ang paglawig ng mga kantang galing
sa mga Ibanag at ang kumakanta nito ay umabot sa pinakamataas nitong antas
noong panahon kung saan ang mga lalaki o "babbagitolay" ay
nanghaharana sa mga babae o "magingnganay" na natitipuhan nila.
Subalit, noong panahon ng malawak na
opresyon o Martial Law ay kakaunti na lamang ang tumatangkilik sa mga awit
dahil sa dalawampung taon na pamumuno ng lumang rehimen kung saan ang kalayaan
nang mga mamamayan ay may limitasyon.
Halimbawa:
PAGAYAYA
Pagayaya ay a metallugaring
I pattaradde tam ngamin,
Pagayaya I palu paggia
Pangawanan ta zigariga,
Pare nakuan tu yao nga gayam,
Makeyawa tam mulamuagang
Kegafuanan na kapawan
Na ziga nganufulotan.
(REJOICING )
Happiness is the end
Of our being together
Happiness is the well-being
And elimination of suffering.
May it be that this occasion,
Bring us satisfaction
Which will make us forget
Our hatred and suffering.)
SALAWIKAIN
Ang
mga salawikaing Ibanag o "unoni" sa lokal na dayalekto ay pwedeng
isang prosa o maaari rin itong tula. Ito ay paturo at kinapupulutan ng aral.
Mga Halimbawa:
Mamatugu ka ta gayan
nga manututtu ta matam.
(You rear a crow that pecks your eyes.)
Awan tu umune ta uton
ng ari umuluk ta davvun.
(Nobody goes up who does not come down)
BUGTONG
Ang "palavvun" o bugtong
ay ginagamit nang mga Ibanag bilang isang anyong pang-kasiyahan o kung sa ibang
kaso, maaari rin itong isang anyo ng tagisan ng talino. Ito ay itinuturing na
pang-relaks kung pagod
SANGGUNIAN