Huwebes, Pebrero 20, 2014






ANG PANITIKAN NG REHIYON II
Ni ALENE V. ATOLE BSED 2B




PARTIDO STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF EDUCATION
GOA, CAMARINES SUR






"Ang panitikan ay nagsisilbing tulay para makita at mabatid natin ang kaugnayan ng ka- salukuyan sa nakaraan upang sa ganoon maharap natin ang darating na may lakas at talino. "
-Estelita C. Apuntan







Ang rehiyon II ay matatagpuan sa isang malaking lambak sa hilagang-silangang Luzon, sa pagitan ng kabundukang Cordilleras at ng Sierra Madre. Binabagtas ng Ilog Cagayan, ang pinakamahabang ilog sa bansa, ang gitna ng rehiyon at dumadaloy patungong Kipot ng Luzon sa hilaga.
            Ang Lambak ng Cagayan – ay matatagpuan sa pagitan ng bulubundukin ng Sierra Madre at Cordillera Sentral  sa Hilagang-Silangang Luzon.

Mga Lalawigan at Kabisera:
·         Batanes – Basco
·         Cagayan – Tuguegarao
·         Isabela – Ilagan
·         Nueva Vizcaya – bayombong
·         Quirino – Cabarroguis









Mga halimbawa ng ilog na matatagpuan sa rehiyon:
  •          Cagayan River – Pinagkukunang tubig para sa irigasyon. Pinakamahabang ilog sa Pilipinas
  •          Chico River
  •          Magat River
  •          Pinacanauan River


Halos lahat ng mga lugar sa Cagayan Valley ay napalilibutan ng bulubundukin na katatagpuan ng mga kagubatan.

Mga Katutubo sa Rehiyon II:
  1.        Ivatan sa Batanes
  2.          Gaddang at Ibanag sa Cagayan, Isabela, at Nueva Vizcaya
  3.          Dumagat
  4.          Isneg
  5.          Ita
  6.          Igorot
















Mga punung-kahoy na matatagpuan sa bulubundukin ng rehiyon
  •          Benguet Tree
  •          Narra Tree
  •          Ipil-ipil
  •          Teak
  •          Mahogany

Ang Cagayan Valley –ay  biniyayayaan ng lupang alluvial o lupaing nadeposituhan ng putik at buhangin dulot ng umaagos na ilog, sapa  at iba pa. Maganda pagtaniman ng tabako, palay, mais, gulay at prutas, kape, cacao, sibuyas, halamang-ugat, tabla, rattan, at kawayan.

Likas na Yaman Mineral ng Rehiyon
  •         Bakal
  •          Pilak
  •          Ginto
  •          Limestone
  •          manganese
  •          Graba
  •          bato


Pagsasaka pa rin ang karaniwang hanapbuhay sa Region II.  Pangunahing produkto rito ang palay, mais, at tabako.  Masiglang industriya rin rito ang pagtrotroso, paglililok ng kahoy, at paggawa ng mga produktong yari sa yantok, paghahabi, paggawa ng asin, alak at suka.

Mga Produkto ng Rehiyon
  •          tabako
  •          palay
  •          mais
  •          gulay at prutas
  •          kape
  •          cacao
  •          sibuyas
  •          halamang-ugat
  •          table
  •          rattan
  •          kawayan


Mga Anyo ng Literatura sa Rehiyon II
  •          Epiko
  •          Salomon
  •          Pasion
  •          Verzo
  •          Awit
  •          Bugtong



EPIKO
            Ang literatura ng Ibanag, tulad ng iba pang literatura sa ibang rehiyon ay nagpapakita ng mga nararamdaman ng mga Cagayanos. Marahil ito ay tuwa, kalungkutan, pag-asa, takot, pagmamahal o di kaya'y hinanakit, ito ay napagpasapasahan na nang isang henerasyon tungo sa isa. Ang isa sa pinaka tanyag na epiko sa Cagayan ay ang kuwento ni Biuag at Malana o "Biuag anni Malana" sa lokal na dayalekto. Ang epiko ay sinimulang isulat sa mga 'bark' ng mga puno at mga bamboo at kinakanta sa mga importanteng okasyon tulad ng kasalan, selebrasyon pagkatapos ng mga mahahabang giyera at iba pa at dahil dito ay napagpasa pasahan na ito, henerasyon sa henerasyon.

SALOMON
             Ito ay isang epikong inaawit kasabay ng “cinco-cinco”  o instrumentong may limang kuwerdas tuwing Pasko sa harap ng altar. Ito ay kasama sa salu-salo kung saan may alak, kape, tsokolate, at iba pa. Ang nilalaman nito ay tungkol sa pagkakabuo, pagkapanganak, at buhay ni Jesu Kristo. Sa isang bahagi nang epikong kanta ay makikita ang mga linyang ito:
Anni i ibini wagi?
(What are you sowing, brother?)


Said the farmer: Batu i paddag gunak ku ibini.
(I am sowing pebbles.)

Said Mary: Batu nga imulam, batu nga emmu gataban.
(Pebbles that you sow, pebbles that you reap.)



VERZO
            Ang verzo ay katumbas ng coplas ng mga Espanyol. Ito ay isang awit na may apat na linya at tugma. Karaniwang ginagawa o nililikha ng versista ang verso sa mismong okasyon tulad ng kasal at binyag. Ang verso ay karaniwan ding nagtuturo ng moralidad. Ilang mga halimbawa nito ay ang “ ossse-osse” at “kilingkingan.”

Mga Halimbawa:

Arri ka mavurung ta
 Kabaddi ku lalung, kuak
Ku mamayappak, kannak
Ku utun, gukak.

(Worry not my being a small cock,
For when i fly to attack)

            .
AWIT
            Ang mga awit ay mga kantang para sa pag-ibig at madalas ang mensaheng dinadala nito ay pangako, pagtatapat, paninigurado, mga pagtuturo at pag-alalay na maibibigay.

            Ang paglawig ng mga kantang galing sa mga Ibanag at ang kumakanta nito ay umabot sa pinakamataas nitong antas noong panahon kung saan ang mga lalaki o "babbagitolay" ay nanghaharana sa mga babae o "magingnganay" na natitipuhan nila.

            Subalit, noong panahon ng malawak na opresyon o Martial Law ay kakaunti na lamang ang tumatangkilik sa mga awit dahil sa dalawampung taon na pamumuno ng lumang rehimen kung saan ang kalayaan nang mga mamamayan ay may limitasyon.

 Halimbawa:

PAGAYAYA

      Pagayaya ay a metallugaring
      I pattaradde tam ngamin,
      Pagayaya I palu paggia
      Pangawanan ta zigariga,
      Pare nakuan tu yao nga gayam,
      Makeyawa tam mulamuagang
      Kegafuanan na kapawan
      Na ziga nganufulotan.
      (REJOICING )

      Happiness is the end
      Of our being together
      Happiness is the well-being
      And elimination of suffering.
      May it be that this occasion,
      Bring us satisfaction
      Which will make us forget
      Our hatred and suffering.)

SALAWIKAIN
            Ang mga salawikaing Ibanag o "unoni" sa lokal na dayalekto ay pwedeng isang prosa o maaari rin itong tula. Ito ay paturo at kinapupulutan ng aral.

Mga Halimbawa:

Mamatugu ka ta gayan nga manututtu ta matam.
      (You rear a crow that pecks your eyes.)

Awan tu umune ta uton ng ari umuluk ta davvun.
      (Nobody goes up who does not come down)

BUGTONG

            Ang "palavvun" o bugtong ay ginagamit nang mga Ibanag bilang isang anyong pang-kasiyahan o kung sa ibang kaso, maaari rin itong isang anyo ng tagisan ng talino. Ito ay itinuturing na pang-relaks kung pagod


SANGGUNIAN